Issued At: 5:00 p.m., 22 November 2009
At 2:00 p.m. today, the Low Pressure Area (LPA) was estimated based on satellite and surface data at 160 kms East of Mindanao (8.0°N, 128.0°E). Northeast monsoon affecting Extreme Northern Luzon.
Metro Manila
![]() 23°C to 31°C | Moderate to Strong: Northeast Manila Bay: Moderate to Rough |

| Lotto Results 11/22/2009 |
| Superlotto 6/49: 43 23 42 17 45 10 Swertres: 376 * 085 * 481 More results |
URGENT!! Deck and Engine Crew
Sealanes Marine Services, Inc.
Manpower Resources of Asia, Inc. (Video)
+63 32 238 2969
NOONG Okobre 30, isang laying of capsule ang isinagawa sa Barangay Dila-Dila sa Sta. Rita, Pampanga para sa sisimulang kunstruksyon ng Community Police Action Center (Compac).
Si Chief Superintendent Gil Meneses, deputy regional director for Administration ng Police Regional Office-3 (PRO3), ang guest of honor sa nasabing okasyon.
For updates from around the country, follow Sun.Star on Twitter
Sang-ayon kay Senior Superintendent Edgar Tinio, chief of the Regional Logistics Division ng PRO3, ang 150-square foot na lote kung saan itatatayo ang Compac ay ibinigay ng Sta. Rita Municipal Government. Aabot sa P1.2 milyon ang halaga ng itatayong gusali ng Compac na manggagaling sa Philippine National Police (PNP) National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City, ayon pa kay Tinio.
Dumating sa nasabing laying of capsule sina Mayor Yolanda Pineda, Senior Superintendent Gil Lebin Jr., Pampanga police provincial director, ang hepe ng Sta. Rita police na si Chief Inspector Duldulao at iba pang opisyales.
Ang itatatayong Compac sa Barangay Dila-Dila sa Sta. Rita ay pangalawa na sa mga itatatayo sa Pampanga. Noong Agosto 10, si President Gloria Macapagal-Arroyo ang nag-groundbreaking ng gusali ng Compac sa Barangay Jose Abad Santos Siran, Guagua. Sa nasabing groundbreaking ay siyempre dumating si Chief Superintendent Leon Nilo dela Cruz, PRO3 director, Senior Superintendent Lebin at Guagua Mayor Ricardo Rivera.
Sang-ayon kay Tinio, ang nasabing lote na kung saan itinayo ang Compac ay donasyon din ng Guagua Municipal Government at ang P1.2 milyon pondo nito ay galing din sa PNP National Headquarters. Natapos noong Septiembre 25.
Ipinahayag pa ni Tinio na magtatayo ang PNP ng mga Compac sa bawat bayan sa Pampanga, kaya lang ang nagiging problema ay pagtatayuhan na mga lupa. Ang donasyon sa lupa o lote kung saaan itatayo ang gusali ng COMPAC ang nagiging problema. Kung sa pondo ay mayroon na umanong nakalaan na budget ang PNP National Headquaters, pahayag ni Tinio sa Dateline.
Basag Kotse Gang umatake sa Jasa
Noong Oktobre 30, bago mag-Undas, hindi pinatawad ng mga miyembro ng Basag Kotse Gang ang sasakyan ng isang police officer.
Pinarada umano ni Superintendent Rolly Mendoza, hepe ng Porac Police Station, ang kanyang Toyota Revo na may plakang WTG-247 sa parking lot ng Fortune Restaurant sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue (formerly GSO road).
Kasama ni Mendoza si SPO1 Ramo Colocar, miyembro ng Porac Police, na kung saan um-attend ang mga ito sa isang pagpupulong (di sinabing kung anong meeting).
Ipinarada ni Mendoza ang kanyang Revo dakong 11 a.m. at pagkatapos ng kanyang meeting laking gulat nito na basag ang "left rear window" ng kanyang sasakyan.
Mga basag-basag na salamin ang nakita ni hepe sa loob ng kanyang Revo at ang mga baril na M-16, Bull M5 .45 kalibre at isang .9mm Barreta pistol ay tinangay ng mga miyembro ng Basag Kotse Gang.
Maging ang shoulder bag ni Mendoza na naglalaman na hindi malamang halaga at Petron gas slip na nagkakahalaga ng P2,000 ay tinangay din ng mga suspek.
Bakit kaya hindi namalayan ng mga security guard ng Fortune Restaurant na mayroong nangyayari sa kanilang premises? Nagtatanong lang po.
Kung tutuusin, mayroon ding mga pulis na nakaposte sa KAMBILAN sa may kanto ng intersection ay hindi rin namalayan ang nangyari sa Fortune Restaurant. Bakit wala silang nakita? Nagtatanong lang po.
Sang-ayon sa source ng Dateline, marami na rin umanong nangyayaring bukas kotse sa kahabaan ng JASA nguni't hindi na umano nire-report ng mga biktima. Bakit kaya, nawawalan na ba sila tiwala sa pulis? Nagtatanong lang po.
Matatandaang sinulat din ng inyong lingkod ang nangyayaring basag-kotse activities sa kahabaan ng Lazatin Boulevard at maging ang mga biktima ay hindi na rin nire-report na kinauukulan. Bakit kaya? Nagtatanong lang po.
Kungg ang isang opisyal ng pulis ay hindi kinatakutan ng mga kasapi ng Basag Kotse Gang e paano kung isang ordinaryong tao pa? Di po ba?
Kailangan na sigurong umaksyon ang City of San Fernando Police sa mga naglipanang Basag Kotse Gang sa lungsod. Abangan po natin ang gagawing aksyon ng city police.